Talambuhay sa Tagalog

Si Kongresista Robert Garcia ay tagapagturo ng karera at dating Alkalde ng Long Beach, na kasalukuyang naglilingkod sa kanyang pangalawang termino at kumakatawan sa Long Beach sa Timog-silangang Los Angeles sa Kongreso. Inihalal si Kongresista Garcia ng kanyang mga Demokratikong kasamahan bilang Kinatawan sa Pamunuan ng Caucus, isa siyang May-ranggong Miyembro ng Pambansang Seguridad, Subcommittee ng Ugnayang Panghangganan at Panlabas sa Komite sa Pangangasiwa, at isa siyang mapagmalaking miyembro ng Mga Pangkongresong Caucus sa Pagsulong, Komunidad ng Hispanic, at Pagkakapantay-pantay.
Sa kanyang unang termino, tinaguyod ni Kongresista Garcia ang pro-housing na kilusan sa Kongreso para hikayatin ang pagpapaunlad ng mga bagong unit ng pabahay at pababain ang gastos sa pamumuhay sa buong bansa. Naging maimpluwensya si Kongresista Garcia sa pagtatatag at paglulunsad ng bipartisan na Pangkongresong Caucus na Yes In My Back Yard (YIMBY), na naglalayong magsulong ng mga patakaran para paramihin ang supply ng pabahay para tugunan ang pagiging abot-kaya at kawalan ng tirahan.
Sa ika-118 Kongreso, dalawang bill na ipinanukala ni Kongresista Garcia ang nilagdaan ni Pangulong Joe Biden para isabatas. Dahil sa mga bipartisan na batas na ito, na naglalayong pahusayin ang kahusayan ng pamahalaan, makakatipid ng dolyar ang mga nagbabayad ng buwis at magsusulong ito ng higit pang may-pananagutang pamamalakad ng pamahalaan.
Bilang Kinatawan sa Pamunuan ng Caucus, mahagalang bahagi si Kongresista Garcia sa pamamatnubay sa direksyon at mga priyoridad ng Demokratikong Caucus sa Kapulungan ng U.S. Nakikipag-ugnayan si Kongresista Garcia sa pamunuan ng partido at mga mas bagong miyembro para matiyak na napapakinggan at napapangatawanan sa pagbabatas ang mga boses ng Mga Kinatawan sa buong partido.
Si Kongresista Garcia ay co-chair din ng Pangkongresong Caucus para sa Oportunidad, Pag-renew, Kalakalan at Seguridad (Ports Opportunity, Renewal, Trade, and Security, PORTS) at Caucus sa Peru. Itinataguyod ng Caucus na PORTS ang imprastruktura ng daungan, secure at matatag na mga supply chain, at ekonomiya ng ating bansa. Nilalayon ng Caucus sa Peru na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng mga taga-Estados Unidos at taga-Peru sa pamamagitan ng pagpapahusay sa diyalogo at pagtutulungang pampolitiko sa mga nakabahaging pinahahalagahan at prinsipyo.
Inihalal si Kongresista Garcia para kumatawan sa ika-42 Distritong Pangkongreso ng California, kasama ang Long Beach at Timog-silangang Los Angeles, noong Nobyembre 2022. Dating naglingkod si Kongresista Garcia bilang ika-28 Alkalde ng Long Beach mula 2014 hanggang 2022, at naglingkod siya sa Konseho ng Lungsod mula 2009 hanggang 2014.
Naniniwala si Kongresista Garcia sa pagtatanggol sa ating demokrasya, nang nagsusulong ng pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng progresibong patakaran sa edukasyon, pagtugon sa krisis sa klima, pagsuporta sa mga nagtatrabahong pamilya sa pamamagitan ng pagpapataas ng sahod, at pakikipaglaban para palawakin at protektahan ang mahahalagang karapatan para sa kababaihan, imigrante, at komunidad ng LGBTQ+. Sa Kongreso, tinaguyod ni Kongresista Garcia ang pagpapabatas para talakayin ang kakulangan sa abot-kayang pabahay, patakbuhin nang mas mahusay ang ating pamahalaan, pamahalaan ang pagbebenta ng ammunition para tugunan ang ating epidemya sa karahasang nauugnay sa baril, bawasan ang polusyon sa karagatan na dulot ng sasakyang-dagat, pagiging handa sa pandemya, at ipagtanggol ang mga internasyonal na karapatang pantao.
Ipinagmamalaki ni Kongresista Garcia na maglingkod bilang kauna-unahang hayagan na imigranteng LGBTQ sa Kongreso. Isang aminadong nerd sa komiks, pinupuri ni Kongresista Garcia ang komiks sa pagtulong sa kanyang matutong magbasa at magsulat sa Ingles at mula noon, itinutuok niya ang pagmamahal niya sa tanyag na kultura sa pagtatatag sa Pangkongresong Caucus sa Tanyag na Sining, na ipinagdiriwang ang mga pang-ekonomiya at pangkulturang kontribusyon ng tanyag na sining. Nandayuhan si Kongresista Garcia mula Peru patungo sa Estados Unidos noong bata pa siya at pinalaki siya sa Timog California, at naging mamamayan siya ng U.S. noong 20's niya. Mayroon siyang M.A. mula sa University of Southern California at Ed.D. sa Mas Mataas na Edukasyon mula sa Cal State Long Beach, kung saan din niya nakuha ang kanyang B.A. sa Komunikasyon.